Sa pagsapit ng takipsilim,
Sa pagningning ng mga bituin,
Sa pagilaw ng buwan sa atin,
Maiiwan akong mag-isa at ito ang aking iisipin,
"Tila yata aking sinasayang pag-ibig na sa'yo nama'y
nakabitin? "
Walang anu-ano'y mapagtatanto ko,
Pag-ibig ko nga'y tunay at totoo,
Pero naisip ko mahal mo rin ba ako ?
Alam ko ang sagot pero takot akong tanggapin 'to,
At alam kong ang nilalaman ng puso mo'y di na ako.
Sa pagbilog ng buwan aking tatanawin,
Sa pagsimoy ng hangin ito ang gigising sa akin,
sa paglipas ng oras ako'y hihilumin,
Walang halagang umasa sa taong alam kong di na ko
muling iibigin,
Wawakasan yaring nararamdaman sa panibagong umaga
ako'y nasa matino ng isipan.
At sa pagsikat ng haring araw dating damdamin tuluyan ng pumanaw,
Sisimulan ang bagong araw na di ka na iisipin,
Pagsapit ng katanghalian itutuloy ang buhay na bigay sa akin,
Naghilom na ang sugat na dinulot mo sa'kin,
Natutunan na ang leksyon na kailanma'y di ka na iibigin.
No comments:
Post a Comment