Maraming tanong maraming sagot,
Kung may problema may solusyon,
Maraming komento kayraming opinyon,
Pero san ba talaga ang ating DESTINASYON?
Kung di makita bakit di hanapin ?
Paano mahahanap kung di naghahanap?
Hindi ka binuhay para maging walang saysay,
Kumilos ka pagandahin ang BUHAY MO !
Walang masusolusyunan kung walang aaksyon,
Sa mundong ito magkaroon ka ng kontribusyon,
Batang Pilipino kumilos gumawa ng solusyon,
Walang matatapos kung di mo sisimulan NGAYON.
H'wag mong hayaang pamunuan ka ng iba,
Batang Pilipino buhay ka't may utak ka,
H'wag magpabaya kailanma'y 'wag tumunganga,
Simulan ang pagbabago pamunuan ang MUNDO.
"Kung hindi ngayon kailan pa?" iyan lagi ang sabi nila,
Silang nagsasabi UTOS NILA GAWA NG IBA,
Batang Pilipino simulan ngayon upang bukas handa ka,
Gumawa ng bagong makakapagpabuti para SA'YO AT SA IBA.
No comments:
Post a Comment