Monday, February 27, 2012

TALAARAWAN

Sa pagsapit ng takipsilim,
Sa pagningning ng mga bituin,
Sa pagilaw ng buwan sa atin,
Maiiwan akong mag-isa at ito ang aking iisipin,
"Tila yata aking sinasayang pag-ibig na sa'yo nama'y
nakabitin? " 

Walang anu-ano'y mapagtatanto ko,
Pag-ibig ko nga'y tunay at totoo,
Pero naisip ko mahal mo rin ba ako ?
Alam ko ang sagot pero takot akong tanggapin 'to,
At alam kong ang nilalaman ng puso mo'y di na ako.

Sa pagbilog ng buwan aking tatanawin,
Sa pagsimoy ng hangin ito ang gigising sa akin,
sa paglipas ng oras ako'y hihilumin,
Walang halagang umasa sa taong alam kong di na ko
muling iibigin,
Wawakasan yaring nararamdaman sa panibagong umaga
ako'y nasa matino ng isipan.

At sa pagsikat ng haring araw dating damdamin tuluyan ng pumanaw,
Sisimulan ang bagong araw na di ka na iisipin,
Pagsapit ng katanghalian itutuloy ang buhay na bigay sa akin,
Naghilom na ang sugat na dinulot mo sa'kin,
Natutunan na ang leksyon na kailanma'y di ka na iibigin.

BATANG PILIPINO KILOS NA !

Maraming tanong maraming sagot,
Kung may problema may solusyon,
Maraming komento kayraming opinyon,
Pero san ba talaga ang ating DESTINASYON?

Kung di makita bakit di hanapin ?
Paano mahahanap kung di naghahanap?
Hindi ka binuhay para maging walang saysay,
Kumilos ka pagandahin ang BUHAY MO !

Walang masusolusyunan kung walang aaksyon,
Sa mundong ito magkaroon ka ng kontribusyon,
Batang Pilipino kumilos gumawa ng solusyon,
Walang matatapos kung di mo sisimulan NGAYON.

H'wag mong hayaang pamunuan ka ng iba,
Batang Pilipino buhay ka't may utak ka,
H'wag magpabaya kailanma'y 'wag tumunganga,
Simulan ang pagbabago pamunuan ang MUNDO.

"Kung hindi ngayon kailan pa?" iyan lagi ang sabi nila,
Silang nagsasabi UTOS NILA GAWA NG IBA,
Batang Pilipino simulan ngayon upang bukas handa ka,
Gumawa ng bagong makakapagpabuti para SA'YO AT SA IBA.

R.A 143 Breakdown

And if loving you was a crime then arrest me,
For I've been a criminal for quite sometime,
I'm guilty of loving you who ignores me,
Imprison me with all the heartaches you brought me,
Kill me now for this kills me every tick of the time.


And if there was a lesson for moving on please be my
teacher,
Teach me the ways of not hating you and not loving
you,
Lead me to the path where there's no you in my way,
Switch off my heart that shouts your name everyday,
To stop this madness that torns me in every step of the 
way.


And if losing you will teach me the lessons,
I'll bid you goodbye to end my depression,
To start anew and pursue my progression,
And if someday we'll meet again I'll say 'HELLO'
     to you without dejection,
For by that time I'm over you MY FORMER POSSESION.