Sunday, November 27, 2011

TURNING PAGES

(Chapter I)


   Malalim na ang gabi at malalim din ang iniisip ni Lucky, sawi sa paghihiwalay nila ng kanyang nobya. Alak, naisip nyang lunurin ang sarili sa alak. Sa pagpunta sa bar hindi pagkalimot niya, kundi higit pa sa kanyang inaakala ... higit pa sa inaasahan niya ...


   " Isang scotch nga, make it double .. " pasigaw na order ni Lucky. Ito ang inoorder ni Lucky lalo na kapag gusto nya talagang magpakalango sa alak.
   " On the house na yan 'pre, mukang may problema ka eh! " sagot ng bartender.
   Hindi nagkamali ang bartender, 'pagkat mababakas nga naman sa mukha ni Lucky ang labis na kalungkutan, pagkabalisa, at pagkadesperado. Dahil sa paghihiwalay na walang sapat na dahilan, kahit na alam nyang kailanma'y di sya nagkulang..
   " Babae ba ? "
   " Oo, she broke-up with me without even telling me why. All she said was, ' ... sa tingin ko di na magwo-work tong relationship na'to, that's why i'm breaking up with you . ' ang masama pa ginamit nya sakin yung pangtelenovelang linyang, ' Hon its not you, its me. ' then she left. Sinubukan ko syang habulin, pero wala na sya. Patay ang phone, at wala sa bahay nila. " kwento ni Lucky habang binubuhos ang alak sa kanyang baso.
   Mahal na mahal ni Lucky ang girlfriend nyang si Leslie, bukod sa legal sila sa kani-kanilang mga pamilya, sa tatlong taong pinagsamahan nila, at dahil na rin sa si Leslie ang dahilan kung bakit kinuha ni Lucky ang kusrong Accounting, kahit pa mahal na mahal niya ang pagluluto. Labis-labis ang pagmamahal ni Lucky kay Leslie kaya't pakiramdam nya'y huminto na ang ikot ng kanyang mundo mula ng hiwalayan sya nito.


   " Hindi ako nagkulang, sobra pa nga ang pagmamahal na pinaramdam ko sa kanya eh ! Kapag kailangan nya ako, kahit aong oras dumarating ako. Kahit alas dos ng madaling araw, pumupunta ako dahil kailangan nya . Tapos ngayon kung balewalain nya ko, parang wala na lang ?! " hinagpis ni Lucky, kasabay ang unti-unting pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.
   " Pre baka may iba ? O baka hindi ka nalang talaga niya mahal?! Alam mo kasi, minsan may mga bagay na akala natin sapat na pero sa kanila kulang  pa. At hindi naman natin mapipilit ang isang taong mag-stay sa isang relasyon lalo pa kung ayaw na talaga nila. Remember that relationships need a mutual feeling between the two persons involved. " sagot ng bartender.
   Kasabay ng paglalim pa ng kanilang usapan, patuloy rin si  Lucky sa pag-inom.
   Lunod na si Lucky sa kalungkutan at lango na rin sya sa alak, ngunit patuloy parin sya sa pagbahagi ng kanyang mga saloobin sa bartender na hindi naman niya kilala.
   " Alam mo pre, may mga bagay lang na sadyang tumitigil at humihinto na lang ng kusa, hindi dahil sa may pagkakamali tayo o may mahal na silang iba. Minsan tumitigil lang tayong mahalin yung dati nating minamahal kapag, narealize nlng natin na yung dating love ay lost na . At siguro napagtanto na lang niyang hindi ka na niya mahal, at kaysa lokohin at paasahin ka pa nya, mas minabuti nlng nyang sabihin ang totoo at isaalang alang ang mararamdaman mo."
   " Pero tatlong taon kami ! TATLONG TAON !! " pag-angil ni Lucky.
   " Ang pagmamahal kasi, hindi mo yan masusukat kahit gaano pa kayo katagal. Marahil hindi na pangalan mo ang isinisigaw ng puso nya, tumigil na lang itong basta. At hindi mo sya mapipilit kung wala na talaga. "


TO BE CONTINUED ....

No comments:

Post a Comment